SABAYANG PAGTAKBO (BOW)

Matagal ko nang sinasabi (at ina-argue pa nga sa iba) na ang Running ay isang sport na pang-solo.

 

Trying to finish the TIMEX run 2012

 

At dahil pang-solo siya, kalaban mo ang pinakamatinding kalabang puwedeng mong makaharap: ang sarili mo. Madaling makinig sa iPod mo sa loob ng dalawang oras, pero kaya mo bang pakinggan ang sarili mo – ang bawat yabag, kulo ng tiyan, dighay na di natutuloy, hingal, mga pimple na nagmamakaawang paputukin, mga bulung-bulungan na naisantabi mo sa sulok ng utak, mga pangarap na nahihiya kang idasal, at mga takot na baka di mo matapos di lamang ang karerang tinatakbuhan mo, ngunit pati ang maraming ibang bagay?

 

Subali’t aaminin ko rin naman na isang communal event ang Running. Kahit ba pang-isahan ang labanan, may benefits na pang-maramihan (parang tagline ng Supermarket, no?)

 

Una, pag sabay-sabay kayong tumakbo, at medyo ilang libo kayo – malaking statement ang naipapadala niyo sa buong mundo. Isipin mo na lang, napakalaking abala ng ginawa niyo. Nagpasara kayo ng kalye. Nambulabog kayo ngmarshalls. At minsan, nagiging dahilan ng mabigat na traffic.Paralang may maisigaw na punto na di kayang maisigaw ng isang running priest lamang. Tulad ng Save the Dolphins. Save the Mangroves. Save the Butandings. Save the Last Dance.Paralang yang Sabayang Pagbigkas nung Elementary. Wala nga lang pag-bow sa dulo.

 

At eto pa – napipilit niyo ang isang lugar na maging mas environmentally-friendly. Tulad na lang ng Quezon City Circle na gumaganda dahil nagdagdag na ng running trail, o ng Bonifacio Global City.Paramakatakbo sa isang lugar, kailangan safe ang baga ng mga tumatakbo. At para mangyari yun, kailangan environmentally mainam ang lugar.

 

Nagtutulungan din ang runners. Sa basketball, pag may nahuhulog sa sahig, expected na magtulungan ang teammates. Pag nahulog ka at puro kalaban ang nasa paligid, bahala ka na lang sa buhay mo. Ang mga tumutulong sa kalaban makatayo – yan ang mga namumukod-tanging nananalo ng Sportsmanship Award. Sa running, di man kayo teammates, nagtutulungan kayo.

 

Nung TIMEX run, may natapilok. Kahit ikababagal nila, ang iba’y tumigil para tumulong. May nakasabay din ako sa RUN UNITED – nag-cramps, sinigurado muna naming okey siya bago kami lumarga muli. Sa 42k na full marathon, nakakarinig ako ng mga kuwentong mga di magkaka-kilala ay nagbibigay ng words of inspiration sa isa’t-isa. “Konti na lang!” Hindi ko sinasabing lahat ng runners ay may mabuting kaloobang ganyan. Ang sinasabi ko, madalas, nirerespeto ng runner ang kapwa runner dahil alam nito ang hirap di lamang ng pagtakbo, pero pati na rin ng preparasyon. At dahil alam nilang walang teammate na tutulong sa kanila, alam nilang wala silang ibang maaaring asahang tumulong.

 

At kahit ba napakalaki ng isang running event na kung saan merong libu-libong kasali, nirerespeto ng bawa’t isa ang katahimikan ng bawa’t isa. Saan ka nakakita ng libu-libong taong sama-sama sa iisang lugar pero hindi nagkakabuwisitan, hindi kailangang mag-usap, at hindi kailangang magkabanggaan? May respeto sa kaniya-kaniyang pacing, kaniya-kaniyang finishing time, at maging kaniya-kaniyang style ng pagtakbo.

 

Marahil, ang pinakanagsasama-sama sa lahat ng mananakbo, ay ang katotohanang lahat naman tayong tao ay nasa karera. Di nga lang kilometro ang panukat, pero taon. Lahat tayo, binibigyan ng daan, at ng oras. Ang bagsak ng paa, ang running shoes, ang cheche bureche sa balikat, ang sunblock, at ang background music, diskarte mo na.

 

Lahat tayo, gustong takbuhin ang buhay nang buong giting at buong sigla. Nang tinutulak ang katawan sa kahuli-hulihang maibibigay ng talampas ng kakayahan.

 

Yan ang palagay kong dala natin habang sabay-sabay tayong tumatakbo, pagputok ng starting gun sa madaling araw. Oo, kahit si Piolo Pascual pa ang nagpaputok nito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s