DON’T CRY FOR KOBE

Save your tears for the Black Mamba. And the Los Angeles Lakers.

 

 

Image

His teammates were probably hoping that when they got him up, the pain turned out to be nothing after all. Or that he could just walk it off. Or that he could again pull another miracle out of his hat.

 

Sure. The Lakers offense will have a 30-40 point hole every night that they’ll have to fill from now on. 

 

Sure. His injury came at a dramatic moment: as if he just wanted to make sure that the team would get to the playoffs. After buying them the last tickets to the playoff plane, barring a total meltdown by Dwight et al. he was no longer allowed by Destiny to move on. 

 

Sure. He was, is and will be the heart and soul and head and sinew of the Lakers franchise. And when your leader goes down like that, you’d want to retreat and mourn. 

 

But wait. 

 

Tragic as this may be, let’s not forget: 

 

Steve Nash is a back-to-back MVP. He was the lifeblood of the Phoenix 7-second offense. He and D’Antoni engineered how Phoenix rose from the ashes. 

 

Dwight Howard has been the Defensive Player of the Year. He single-handedly brought the Magic to the Finals (yes, they were swept, but the point is he got them there). 

 

Pau Gasol is a world-caliber center. He is an NBA champion. He was the first Gasol that became the centerpiece of the Grizz frontcourt. 

 

Ron Artest. Steve Blake. Guys, we’re not talking about some crack team here. This team is still built to kill. 

 

And now, for the first time in a long time in the Kobe Era, the Lakers are coming in as underdogs. As many underdogs and their fans know, that kind of mentality gives you an extra push. The chip on your shoulder, and nothing-to-lose attitude, will make you keep swinging violently in the hopes of landing the KO punch. If they do face the Thunder in the first round (and it looks like they will), the Thunder will lose the sympathy of the world they once had. 

 

Will they beat the Thunder? I really don’t know. But I do know that in addition to the new underdog-will-bite-your-asses mentality is the enemy’s uncertainty of where the points will come from. 

 

That’s what makes teams like Denver so dangerous. You never know who will explode, when and where, and how big the damage is going to be. 

 

With Kobe out, the defenses will be tested.

 

This is of course, assuming, that the rest of the Lakers have finally figured out how to play as a team. 

 

With Kobe bailing them out of dangerous endgames, and practically giving them all a piggyback to finish lines, they just flung their prayers onto him. Now, there’s a chance that they can be a more cohesive unit playing through a system. There’s a chance to make the entire team believe that they can come through – as a team. And of course, I’m looking at Nash to be the conduit through which the electricity of the offense can course through. 

 

If they learn to play together, there’ll be tears of a different kind at the end of their playoff run. 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

MAHAL ANG MAGTURO (END OF SEMESTER SENTIMENTALITY )

Magkakaiba man ang guro, mayroong isang bagay na kung saan, pare-pareho kami.

 

 Wala naman kaming pinagkaiba ni Ginang Santos na nagtuturo sa mababang paaralan ng barangay Santa Elena. Wala rin kaming pinagkaiba ni Binibining Dela Cruz na nagdidikit sa bulletin board kahit nangangawit na ang kamay niya matapos makorekan ang daan-daang quiz. O kaya ni Mister Von Trap na nagtuturo ng masteral sa mga gusto pa ring mag-aral kahit na nagtatrabaho na. Di rin naman ako masyadong naiba kay Teacher Mel na napapagod kakahabol at kakakanta buong araw kasama ng mga two year olds. Kung meron kaming pinagkaiba, marahil mas magagaling sila.

 

Pero ang gusto ko lang sabihin – iba-iba man, magkakapareho rin. Iba-iba ang estilo. Iba-iba ang estado. Pero iisa ang layunin: Mahalin ang estudyante nila.

 

Cheesy no?

 

Pero teka, magpapaliwanag ako.

 

Gigising ka nang maaga, o matutulog ka nang late para lang masiguradong may lesson plan ka. Tapos bibili kang materials. Magdo-drawing ka, o magda-download ng video, o kung wala talaga ikaw na mismo ang magku-wento, kakanta, o aarte.

Tapos bigay todo ka sa klase. Kung gusto mong maging guro, siguraduhin mong magaling ang deodorant mo – para hindi nila mahalatang pawis na ang kili-kili mosa effort at sa kaba. Magkokorek ng papel, iisipin na ang susunod na klase. Mag-aaral uli, mag-iisip uli, isiipin kung may deodorant pa.

 

Tapos sasagi sa isip mo ang mukha ng mga estudyante mo.

Yung tumawa sa joke. Yung hindi naka-gets. Yung naka-intindi, at nakita mo yung saktong second of realization. Pero pinakanaaalala mo yung nakakunot yung noo.

Yung iniintindi pa rin yung binanggit mo hanggang sa dulo ng klase. Inaalala mo kung na-gets na niya.

 

Inaalala mo yung bumabagsak. Pa-tough ka sa klase. Na kunwari wala kang pakialam at walang alinlangang mambabagsak ka. Pero sa totoo lang, galit na galit ka sa estudyante hindi lang dahil sinayang niya oras at energy mo, pero dahil sinasayang niya ang oras niya, ang pera ng magulang niya, at itong pagkakatong binigay ng tadhana sa kaniya.

 

Pinaka nakakainis sa isang guro ang sayang. Ang sayang na chalk na di nagamit. Ang whiteboard marker na susulitin mo kahit na parang multo na lang ng mga letra ang nakasulat sa board. Sayang na classroom. Sayang na aircon. Sayang na estudyante.

Dun ako pinakanaiinis. Yung matalino. May future. Pero wala namang effort.

Hindi niya alam na maraming magulang na papatay ng tao para makuha ng anak nila yung pagkakataong binigay sa kaniya. At heto siya, walang pakialam.

 

Nitong nakaraang ilang buwan, may umiikot sa YouTube na video ng salbaheng guro sa isang paaralan. Salbahe naman talaga. Walang kuwestiyon. Walang sinumang guro – o tao – ang may karapatang gumawa ng ginawa niya sa kapwa tao niya.

 

Pero susubukan kong maging defense attorney sandali ha:

Paano kung – ang naabutan lang natin sa video ay ang frustration niya? (Uulitin ko – hindi excuse ang frustration para manakit) Ang sinasabi ko lang naman, naiintindihan ko nang konti ang hinanakit ng gurong yun, kung saka-sakaling mapagmahal nga siyang guro, at kung saka-sakaling nainis nga siya sa estudyante niya dahil hindi naibubuhos ng estudyante ang buong galing niya.

 

Tuwing natatapos ang semsester, naaalala ko lahat ng mga naturuan ko. Lahat ng naturuan ko nung nakaraang semester, pero lahat din ng iba pang naturuan ko na so far. Gumagawa ako minsan ng all-time enjoyable class ranking (aling taon at aling eskwela ang pinakanatuwa ako o nahirapan ako?). May naalala kaya sila sa naituro ko? Tamad pa kaya si ganito? Pag tinanong si ganito ng teacher niya in the future, maaalala kaya niyang ako nagturo sa kaniya nun? Tulad ko, nabitin din kaya sila?

Nauunawaan kong parang kailanman, hindi mo yata mararamdamang naituro mo na lahat ng gusto mong maituro sa isang semester. At tingin ko, lahat kaming mga guro, pare-parehong ang huling iniisip ay ang bayad: dahil alam naming lahat na hindi ito ang karerang pipiliin mo para yumaman. Yayaman ka sa dunong at pagmamahal, kung gusto mong maging cheesy. Pero kung wala ka namang kakeso-keso sa buto mo, alam mong bokasyon ang pagtuturo. Di nalayo sa pagpapari.

 

Sabi ni Bob Ong sa ABNKKBSNPLAKO, mauunawaan mo lang ang kung paano maging guro pag nagkabalitaran na – pag ikaw na ang nasa likod ng lamesang may mansanas (hinihintay ko pa rin ang araw na bibigyan ako ng mansanas ng estudyante ko).

 

Tama naman siya dun. At kung totoo nga yun, Diyos ko, naging mabait naman siguro ako sa mga guro ko, no?